“We Are One Concert” ng Iglesia Ni Cristo, isinagawa sa Philippine Arena

Eagle News) — Naging matagumpay ang isinagawang “We Are One Concert” ng Iglesia Ni Cristo sa Philippine Arena sa Ciudad de Victoria.

Ito ay isang uri ng aktibidad ng Iglesia Ni Cristo para sa mga nasa proseso na ng pag-anib sa Iglesia o yung mga tinatawag na Dinudoktrinahan at Sinusubok.

Ang mga dumalo sa aktibidad ay nagmula pa sa iba’t ibang distrito eklesiastiko ng Iglesia Ni Cristo sa Region 3, National Capital Region at mga karatig lalawigan sa Region 4A.

Ilang mga kilalang personalidad din at artisa ang nag-perform ng kanilang mga piling awitin kagaya nina Mr. Noynoy Zuniga, Marcelino Pomoy, Jerome Abalos, Vina Morales at marami pang iba.

Makikita sa mga dumalo ng aktibidad ang kanilang kasiglahan at pakikipagkaisa sa ganitong uri ng aktibidad at marami sa kanila ay nakisabay pa sa pag-awit ng mga kanta ng mga nag-perform na mga singer.

Labis naman ang pasasalamat ng mga naimbitahang performer at mang-aawit sa pagkakataong naibigay sa kanila sa ganitong uri ng aktibidad ng Iglesia Ni Cristo.