Walang Pilipino na nadamay sa Ecuador quake

Eagle News – Walang nadamay na mga Pilipino sa naganap na magnitude 7.8 na lindol sa Ecuador.

Sinabi ni Honorary Consul Corazon Olivia De Reyes walang nasugatan o namatay kaya walang dapat na ikabahala ang mga kababayan sa pilipinas.

Nagpasalamat din ito na nananatiling ligtas ang mga pinoy sa nasabing lugar.

Umaabot sa halos 300 na ang namatay sa tumama na malakas na lindol kung saan marami ring mga gusali ang nasira.