Walang metro mayors na nasa drug list – NCRPO

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Walang mga mayor sa Metro Manila na kasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng  mga politikong sangkot sa iligal na droga.

Ito ay ayon kay National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde.

Ayon sa kaniya,  mga barangay captain at mga councilor na sangkot sa iligal na gawain na nahuli na ng kanilang hanay, o kaya yaong mga pinagtatatakpan ang mga opisyal na kasama sa drug trade ang nasa listahan.

Sa ngayon, mahigit 160 na incumbent at retiradong local executives, lawmakers, uniformed men, mga judge at barangay captain ang kinumpirma ni Pangulong Duterte na nasa kaniyang narco-list.