Walang banta ng terorismo, pero NCRPO naka full alert sa Metro Manila

MANILA, Philippines (Eagle News) — Patuloy ang paalala sa publiko ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagpunta sa mga mall at ilan pang matataong lugar.

Ayon kay NCRPO Chief, Director General Oscar Albayalde, bagaman walang banta, nananatili pa rin na nasa full alert status ang mga pulis sa Metro Manila.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong holiday season.

Hinihimok din ng NCRPOang publiko na maging maingat at mapagmatyag sa lahat ng oras.

Sakaling may kahina-hinalang bagay o indbidwal na makikita, agad itawag sa “Bato Hotline” na 2286 o kaya ay sa 911.

https://youtu.be/MwQQ-iSJOvg