Voucher program para sa senior high school, nangagailangan ng P45B — Ex-DepEd official

(Eagle News) — Hinikayat ng dating opisyal ng Department of Education si Secretary Leonor Briones na dagdagan ang subsidy para sa mga estudyante ng senior high school na nag-eenroll sa mga pribadong paaralan.

Sinabi ni dating Education Secretary Mona Valisno, kailangang gawing P30,000 ang maibigay na ayuda sa bawat estudyante.

Kung susumahin aabot ito sa P45 bilyon kada taon.

Pero ngayong school year, nasa P12 bilyon ang inilaan sa voucher system.

Nagpahayag din ng kahandaan si Valisno na tumulong para lalo pang mapaghusay ang basic education system ng bansa.

https://youtu.be/Sdxsnka4_gc