Voter’s registration tatagal hanggang Abril 29, 2017

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Bilang pa sa daliri ang mga nagparehistro ngayong unang araw ng voter’s registration para sa Sangguniang Kabataan at Barangay Elections na gaganapin sa susunod na taon.

Tatagal hanggang sa April 29, 2017 ang voters registration.

Sa unang araw ng voters registration, umabot sa average na dalawampung aplikante sa iba’t-ibang district offices ang pumunta upang magparehistro.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, mas papaigtingin umano ng Comelec ang kanilang information drive sa social media para mahikayat ang marami na magtungo na sa mga tanggapan ng ahensya.

Ipinagpaliban sa susunod na taon ang SKat Barangay Elections makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para sa postponement nito.

https://youtu.be/CMzl82UAQ7M