Validation testing ng hybrid electric trains, sisimulan na ng PNR sa Marso

(Eagle News) — Isasailalim na ng Philippine National Railways (PNR) sa validation testing ang mga hybrid electric train na ginawa ng Department of Science and Technology (DOST) sa Marso.

Ayon kay DOTr Spokesperson Goddes Libiran, ito ay upang masiguro na ligtas na gamitin ng publiko ang mga nasabing tren.

Taong 2017 nang mailunsad ang hybrid electric train na may haba na nasa apatnapung (40) metro at may maximum speed na 50 kilometers per hour.

Bahagi ito ng kontribusyon ng DOTr sa mga panukala para mapabuti ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.

Ayon sa ahensya, kapag fully operational na ang mga tren ay nasa 650,000 na commuters kada-araw ang maaari nitong maserbisyuhan.