Unloading incidents ng MRT, bumaba ng 90%

(Eagle News) — Bumaba ng siyamnapung (90) porsyento ang naitalang unloading incidents ngayong taon sa Metro Rail Transit o MRT-3.

Ayon sa datos ng pamunuan ng MRT-3, umabot lamang sa 56 ang naitalang unloading incidents mula noong January hanggang November 2018.

Mas mababa ito kumpara sa kaparehong panahon noong 2016 at 2017 na umabot sa 440 at 562 unloading incidents.

Patuloy naman na pinapaganda ng pamunuan ng MRT-3 ang serbisyo nito sa publiko sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na maintenance work.