TUCP nanawagan kay Pangulong Duterte na gawing Php 80 ang umento sa sahod

(Eagle News) — Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing Php 80.00 ang Php 25.00 dagdag-sahod na inaprubahan ng NCR wage board para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni TUCP spokesperson Allan Tanjusay na napakaliit ang 25 piso at hindi ito maipambibili ng disenteng pagkain ang mga mahihirap na empleyado.

Napakalayo aniya nito sa kanilang proposal na 334 pesos per day na umento sa sahod.

Bagamat unofficial pa ang desisyon ng NCR wage board dahil subject for approval pa ito ng National Wage and Productivity Board (NWPB) at dadaan pa sa Office of the President bago ito i-anunsyo ng labor department.

Ang nangyari kasi aniya ay biglang nag-anunsyo ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na 25 piso na ang napagkasunduang wage increase.

Samantala, nagpahayag ng sama ng loob si Tanjusay sa National Wage Board dahil sa mataas na wage increase na ipinagkaloob sa mga manggagawa sa Davao City.

Aniya, tila may favoritism ang wage board dahil sa katotohanang nasa Davao ngayon ang seat of power at kilalang hometown ni Pangulong Duterte.

https://youtu.be/wbFEbstoAlQ