TRO sa door-to-door drug testing sa Quezon City, hiniling ng mga residente sa korte

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Naghain na ng petisyon ang 32 residente sa Barangay South Triangle at Payatas sa Regional Trial Court ng Quezon City para maglabas ito ng temporary restraining order sa door-to-door drug test na isinasagawa ng mga pulis sa kanila.

Pawang mga abogado mula sa National Union of Peoples Lawyers (NUPL) ang kakatawan sa mga nasabing residente na humihiling na ideklarang unconstitutional ang nasabing drug testing sa mga barangay.

Patuloy pa rin kasing ginagawa ng Station 6 sa Batasan at Station 10 sa Kamuning, Quezon City Police District (QCPD) ang door-to-door drug testing.

Pinangalanan namang respondents sa kaso sina Philippine National Police Chief Director Gen. Ronald dela Rosa, NCRPO Chief Oscar Albayalde, QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, pati na ang station commanders na sina Supt. Pedro Sanchez at Lito Patay.

https://www.youtube.com/watch?v=VEh4cWypeVk&feature=youtu.be