Trapiko sa Muntinlupa, posibleng bumigat dahil sa MMFF ‘Parade of Stars’

MUNTINLUPA CITY, Philippines (Eagle News) — Nagbabala ang Muntinlupa Traffic Management Bureau sa mga motorista na posibleng maging mabigat ang trapiko bukas, December 23 dahil sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ‘Parade of Stars.’
Inabisuhan na ang mga motoristang dumaan sa mga alternatibong ruta.

Ayon sa Muntinlupa Police, ang mga bagay na ipinagbabawal sa parade ay firearms, explosives, patalim, metallic objects, bags at water canisters.

Hindi rin ipinapahintulot na makilahok ang mga batang wala pang 4 feet ang height, mga naka-wheel-chair, saklay at crane maging ang mga buntis.