Toycon 2016, ginanap sa Pasay

 

 

Sa pagsapit ng ika-labing limang taon nitong anibersaryo, naging matagumpay ang naging resulta ng isinagawang Toy Convention sa SM Mall of Asia. Pinamagatan itong Toycon 2016, kung saan makikita ang iba’t-ibang uri at collection ng mga laruan.

Maraming mga magagara at magagandang rare collection ang ibinida sa convention na ito. May mga nagpunta ring mga cosplayers o mga costume players na game na nagpakuha ng kanilang mga litrato hindi lamang sa mga bata maging sa mga aliw na aliw na mga matatanda.

Sulit ang entrance fee na P500 para sa mga adult at 250 naman para sa mga bata. Ang mga toy collection ay maaring kuhanan ng litrato at maari ring bilhin kung may magkakagusto nito.

Marami ring mga comics, food at iba pang items na mabibili sa loob ng convention.

(Eagle News Correspondents, Christian Marie Almirol)