Third party independent group iminungkahing magsagawa ng auditing sa automated elections system

QUEZON City, Philippines — Iminungkahi ni Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon na isang third party independent group ang magsagawa ng auditing sa automated elections system.

Ang mga bubuo sa independent audit team ay wala aniya dapat na ugnayan sa alinmang political party.

Ang mga myembro ng grupo ay maari tukuyin ng DOST o kaya ay maaring ang DOST na mismo ang magsagawa ng auditing.

Ayon kay Guanzon, makatutulong din ang independent auditing para matukoy kung gaano naging epektibo ang ginamit na sistema sa katatapos na eleksyon.

Bukod sa sistema, dapat din anyang masuri ang operations manual ng Comelec sa nagdaang botohan para mas mapaghusay nila ang pagdaraos ng eleksyon. (Eagle News)