“The Garden” sa Philippine Arena, dinagsa

BOCAUE, Bulacan (Eagle News) — Dinagsa ng ating mga kababayan ang unang araw ng New Year’s Countdown sa Philippine Arena.

Isa sa mga dinagsa ay ang pinakabagong atraksyon ng Philippine Arena, ito ay ang “The Garden,” kung saan makikita ang iba’t-ibang uri ng hayop sa mini zoo, mga halaman at maging ng iba’t-ibang uri ng bulaklak.

Isa din sa naging atraksyon sa lugar ay ang carousel na patok sa mga bata maging sa mga young at heart.

Swak din ang bagong pasyalang ito dahil sa pinagsama-sama na sa iisang lugar ang mga atraksyon na patok sa buong pamilya.

Dahil sa dagsa ng mga tao ay bukas ang “The Garden” hanggang sa Enero 1.