Tatlumpu’t dalawa katao sugatan matapos madiskaril ang tren sa Kansas City USA

Mahigit sa tatlumpu katao ang nasaktan matapos madiskaril ang Amtrak train sa Kansas, USA.
Mayroong 131 na pasahero ang nasabing tren kabilang na ang labing-apat na crew nito.
Hating gabi nang binabagtas ng tren ang biyahe mula los angeles patungong chicago nang mapansin ng mga crew ng tren na tila nagbend at na-deformed ang riles ng tren sa may Dodge City Kansas.
Kaagad namang ini-apply ang emergerncy brake nito subalit inabot pa rin ito dahilan ng pagkakadiskaril ng walong bagon ng tren.
Isinugod ang mga biktima sa mga magkakahiwalay na ospital sa kansas city.
Patuloy namang inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na dahilan ng pagkakadiskaril ng naturang tren.

(Jet Hilario, Eagle News Correspondent)