Tatlong pulis na sangkot sa kidnapping ng Korean national, nasa custody na ng PNP

(Eagle News) — Nasa restrictive custody na sa Kampo Crame ang tatlo pang pulis na kasamahan ni SPO3 Ricky Sta.Isabel na umanoy sangkot sa pagkidnap sa isang Korean businessman noong nakaraang taon.

Kasama na rito ang dalawa pang Police Non Commissioned Officer at ang Team leader ni Sta.Isabel na si Police Supt.Rafael Dumlao na sya rin umanong nagrekomenda dito para makapasok sa pnp anti illegal drugs group.