Tatlong naging contestants ng Miss Universe 2017, bumisita sa Bohol

Miss Universe 2017 candidates

TAGBILARAN, Bohol (Eagle News) – Bumisita sa Bohol ang tatlo sa mga naging contestants ng Miss Universe 2017 upang ipromote ang top tourist attractions ng lalawigan.

Dumating sa nasabing lalawigan sina Miss Universe Philippines Rachel Peters, Miss Universe Russia Ksenia Alexandrova at Miss Universe Malaysia Samantha Katie James nitong Biyernes, bandang 10:00 ng umaga.

Nag-courtesy call ang mga Miss Universe contestants kay Bohol Governor Edgar Chatto sa Governor’s Mansion.

Sa naging short day tour, pinuntahan nila ang tarsiers sa Corella at ang white sand beach sa Panglao.

(Eagle News Correspondent, Bullet Rosales)