Tatlong isla ng Pilipinas pasok sa listahan ng Best Islands ng isang international magazine

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nanguna ang isla ng Boracay habang pumangalawa naman ang Palawan sa listahan ng World’s 20 Best Islands ng International Traveler’s Magazine na Conde Nast Traveler.

Ang Cebu naman ay nasa ika lima sa listahan ng World’s Best Islands ng nasabing magazine.

Noong nakaraang taon, pang labing siyam (19) sa listahan ang Cebu habang panglabing siyam naman ang Boracay at number 1 ang Palawan.

Pinuri ng nasabing magazine ang Boracay dahil sa white sand nito na malapulbos ang buhangin.

Habang ang Palawan naman ay tahanan ng isa sa Seven Natural Wonders of the World ang Puerto Princesa Subterranean River.

Habang ang Cebu naman ay ikinumpara ang ganda sa Phuket sa Thailand.