Ni Ferdinand Libor Eagle News Service PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle news) – Natagpuang patay ang regional director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Western Mindanao sa loob ng kaniyang inuupahang kwarto sa isang paaralan sa Pagadian City nitong Miyerkules ng umaga. Kinilala ng otoridad ang namatay na si Engr. Edgar Sales, 59 taong gulang, residente sa Purok 4, Brgy. Carangan, Ozamis City. Ayon sa driver nitong si Victor Barredo, natagpuan […]
Tag: Zamboanga del Sur
Isang barangay kagawad sa Dimataling, Zamboanga del Sur, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang bahay
By: Ferdinand C. Libor Jr. Eagle News Service DIMATALING, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Dead on the spot ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang bahay sa Zamboanga del Sur. Kinilala ang biktima na si Arao Bonga, 58 taong gulang, isang peace and order chairman sa Brgy. Poblacion, Dimataling. Base sa inisyal na imbestigasyon, habang nanunuod ng telebisyon sa loob ng kaniyang bahay ang biktima noong Lunes, bandang alas 8:00 ng […]
Matataas na kalibre ng armas, iba pa nakumpiska sa mga miyembro ng NPA sa Zamboanga del Sur
LAKEWOOD, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Nakumpiska ng militar ang matataas na kalibre na armas at iba pa sa panibagong engkwentro laban sa New People’s Army sa Zamboanga del Sur. Ayon kay LTC Virgilio Hamos Jr., commanding officer ng 53 Infantry Battalion, noong Lunes, Disyembre 11 nakuha ang mga armas– isang M60 general purpose machine gun, M16 assault rifle, improvised explosive device, magazine at mga bala—sa sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng 53IB […]
Military truck na nag-rescue ng mga sundalong sugatan, nahulog sa bangin; 2 patay, 9 na katao sugatan
PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Patay ang dalawa katao habang siyam naman ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang military truck sa Sitio Dumalian, Barangay Lourdes sa Pagadian City. Ayon sa report ng 53rd Infantry Battalion, ang nasabing sasakyan ay nag-rescue sa dalawang sugatan na mga sundalo na nakipagbakbakan sa rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Lison Valley sa nasabing lungsod. Bandang 10:00 ng umaga nitong Linggo, Disyembre 10 […]
Dating miyembro ng MILF, patay sa pamamaril sa Kumalarang, Zamboanga del Sur
KUMALARANG, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Patay ang isang lalaki na dati umanong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos pagbabarilin ng riding-in- tandem sa Purok Malinawon, Barangay Poblacion, Kumalarang, Zamboanga del Sur noong Martes, ika-28 ng Nobyembre. Kinilala ng PNP-Kumalarang si Modrika Abubacar alyas “Mog,” 35, dating miyembro ng MILF at residente sa nabanggit na barangay. Base sa imbestigasyon, habang papauwi ang biktima sa kanilang bahay bandang 10:54 ng umaga kasama ang kaniyang […]
Negosyante patay matapos aksidenteng pumutok ang kaniyang baril
LABANGAN, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Patay ang isang babaeng negosyante matapos aksidenteng pumutok ang kanyang baril sa Purok Pag-asa Barangay Upper Campo Islam sa Bayan ng Labangan sa Zamboanga del Sur noong Martes, ika-14 ng Nobyembre. Kinilala ang biktima na si Elena Apollo Cabatit, 57 taong gulang, negosyante, residente sa nasabing lugar. Base sa imbestigasyon, habang nagliligpit ang biktima sa kaniyang hinihigaan bandang alas 7 ng umaga, aksidenteng nahulog ang kaniyang baril na […]
38 kabahayan sa bayan ng Molave tinupok ng apoy; halaga ng nasirang ari-arian tinatayang aabot sa Php 1M
MOLAVE, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Nasa tatlumpung walong kabahayan ang tinupok ng apoy sa Purok African Daisy at Bliss Barangay Culo, sa bayan ng Molave sa Zamboanga del Sur, kung saan tinatayang aabot sa isang milyong piso ang halaga ng mga nasunog na ari-arian. Kabilang sa mga nasunog ang isang tindahan at tatlumpung mga kabahayan sa lugar. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay na pag-aari ni […]
PHP3 milyon na halaga ng heavy equipment ng isang construction company sa Zamboanga Del Sur, sinunog
(Eagle News) — Sinunog ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tatlong heavy equipment na nagkakahalaga ng P3 milyon sa Zamboanga Del Sur kamakailan. Base sa inisyal na imbistigation ng Philippine National Police, nasa labin-limang mga armadong lalaki ang umatake sa bunkhouse ng Ramona Construction Company sa Dumingag, Purok Uno, Barangay Licabang. Binuhusan nila ng gasolina ang mga nakaparadang dump truck at saka sinilaban ang mga ito. Pagkatapos sunugin ang mga nasabing equipment […]
Suspek sa pagpatay sa DepEd official sa Pagadian City, naaresto na
PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Naaresto na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa pagpatay sa incoming Provincial Schools Division Superintendent (SDS) ng Department of Education-Zamboanga del Sur na si Dr. Marcom Borongan. Kinilala ang suspek na si Leoncio Toledo, taga-Purok Lower Lumboy, Pagadian City. Naaresto si Toledo sa Barangay Poblacion Dimataling, Zamboanga del Sur, ng Special Investigation Task Group (SITG) Borongan matapos ituro ito ng isang witness. Ngunit giit ng suspek […]
Iba’t ibang training at seminar kontra natural disasters, isasagawa sa Pagadian City
PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) -Magsasagawa ng mga trainings at seminar sa isang buwan ang pamahalaan ng Pagadian upang maituro sa mga residente ang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng lindol, landslide, tsunami, pagbaha o anomang mga sakuna. Ito ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng siyudad ng National Disaster Resilience Month 2017 na may temang “Kamalayan sa kahandaan, katumbas ay kaligtasan.” Bahagi rin ng kanilang paggunita ay ang pagsasagawa ng motorcade sa buong […]
Simulation exercise kontra terrorist attacks, isinagawa sa Pagadian City
PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Isang simulation exercise ang isinagawa sa Pagadian City kaugnay sa posibilidad ng pag-atake ng terorista. Limang magkasunod na tunog ng sirena ang nagkunwang hudyat na mayroong mga teroristang umatake sa iba’t ibang bahagi ng siyudad. Pagkatapos ng ilang minuto, agad dumating ang mga first responder mula sa Pagadian City Police Station. Sumunod naman ang Zamboanga Del Sur Provincial Office Unit, at tropa ng militar para i-neutralize ang […]
Mga hinihinalang supporter ng Maute at Abu Sayyaf na nahuli sa Pagadian, iniimbestigahan na
PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Iniimbestigahan ngayon ang dalawang babae na hinihinalang supporter ng Maute at dalawang lalaki naman na hinihinalang supporter ng Abu Sayyaf Group matapos maaktuhan ng pulisya na bumibili ng iba’t ibang klaseng gamot sa isang pharmacy sa Pagadian City kamakailan. Kinilala ang mga suspek na sina Reem Sacampong Arimao, 22 taong gulang, clinical instructor sa Mindanao Institute of Health Care Professional na matatagpuan sa Barrio Green, Marawi City, […]





