(Eagle News) — Para hindi na umano malusutan ng bulto-bultong smuggled goods at shabu, iminungkahi ni Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr., kay Pangulong Rodrigo Duterte na pondohan ang pagpapalakas ng X-ray capability ng Bureau of Customs. Ayon kay Teves, lumiham na siya kay Pangulong Duterte para mailatag ang kanyang mungkahi. Paliwanag ng kongresista, ang 25 billion pesos ay gagamitin sa pagbili ng dalawang daang makabagong X-ray machine na ang bawat isa ay nagkakahalaga umano […]





