Ang United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS ang nagre-resolba sa mga sigalot sa pinag-aagawang teritoryo. Sa ilalim ng UNCLOS, maaaring pumili ang mga bansang sangkot sa sigalot kung saan nila nais magsampa ng kaso. Minarapat naman ng Pilipinas na isampa ang kaso laban sa China sa isang arbitral tribunal kaugnay sa pinag-aagawang West Philippine Sea. Si Aily Millo sa report:
Tag: UN arbitral court
PHL, pinanigan ng UN arbitral court sa isyu ng maritime dispute laban sa China
Pinaburan ng UN arbitral court ang Pilipinas sa inihain nitong kaso laban sa China sa isyu ng maritime dispute o agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea. Ayon sa korte, walang basehan ang China para angkinin ang sinasabing nine-dash line sa West Philippine Sea. Ikinasiya naman ito ng pamahalaan. Mula sa DFA, panoorin natin ang update mula kay Meanne Corvera:





