Tag: Typhoon Yutu

Typhoon Yutu, hihina pa bago tumama sa bansa

(Eagle News) — Nananatiling nasa labas ng bansa at nasa karagatang pasipiko ang Typhoon Yutu. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huli itong namataan sa 2,120 kilometers east ng central Luzon. Bahagya itong humina at taglay na lang ang lakas ng hanging aabot sa 180 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 220 kilometers bawat oras. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran. Ayon sa […]

Bagyong nasa labas ng bansa lumakas pa, isa nang severe tropical storm

(Eagle News) — Lalo pang lumakas ang bagyong nasa labas ng bansa at may international name na Yutu. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang severe tropical storm Yutu ay huling namataan sa 2,925 kilometers east ng Visayas. Nasa labas pa rin ito ng bansa at hindi pa inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa […]