ROXAS, Palawan (Eagle News) – Apektado ngayon ang panindang mga lamang-dagat sa isang palengke sa Palawan dahil sa sama ng panahon. Wala halos makikitang mga panindang isda sa Roxas Public Market dahil hindi makalaot ang mga mangingisda dulot ng malaking alon at malakas na hangin. Ito ay makaraang manalasa ang “Maring” sa maraming lugar, na naramdaman din sa lalawigan. Maging ang maliliit na pangisda ay hindi pinapayagang pumalaot dahil na din sa panganib na maaaring […]





