Samantala, nagdulot ng pagbaha sa ilang bayan sa probinsya ng Capiz ang bagyong “Marce”. Nawalan din ng kuryente ang ilang mga bayan dahil sa mga poste ng kuryente at punong kahoy na natumba sa mga pangunahing daan. Ilang residente rin ang inilikas sa mga evacuation centers. Panoorin ang kabuuan ng balita mula kay Sophia Okut:
Tag: ty Marce
Bagyong “Marce” muling magla-landfall sa Calamian Group of Islands
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyong Marce at inaasahan na muling magla-landfall sa Calamian Group of Islands ngayong gabi. Ito na ang ika-limang beses na pag-landfall ng nasabing bagyo. As of 4pm huling namataan ng PAGASA ang bagyong Marce sa layong limamput limang kilometro timog-silangan ng Coron,Palawan. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 100km kada oras. Nakataas ang signal number 2 […]
Bagyong “Marce” inaasahang magla-landfall sa Surigao del Norte ngayong gabi
Inaasahang magla-landfall ang bagyong “Marce” sa Surigao Del Norte ngayong gabi. Ayon sa PAGASA, mahina lamang ang hanging dala ng bagyo ngunit mararanasan ang malakas na ulan sa mga lugar na daraanan ng bagyon. As of 4pm, huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyong marce sa layong animnapung kilometro silangan timog-silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte. Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa apatnaput limang kilometro kada oras malapit sa gitna at […]





