MANILA, Philippines (Eagle News) — Plano ng Pilipinas na magkaroon ng Green ‘Smart City’ bilang panlunas sa nararanasang matinding trapiko sa Metro Manila at polusyon sa hangin. Tatawagin itong “New Clark City” na planong gawin sa Central Luzon. Sa nasabing Green “Smart City” ay magkakaroon ng drones, self-driving vehicles at environmentally friendly design at teknolohiya. Inaasahang nasa P2 milyong tao ang maninirahan sa nasabing lungsod at kayang makapag-ambag sa ekonomiya ng 30 billion dollars taon-taon. […]





