LUCENA, Quezon (Eagle News) – Isinagawa sa lalawigan ng Quezon ang kauna-unahang Philippine National Police-Media Palarong Pinoy na ginanap sa covered court ng Camp Guillermo Nakar, Lucena City, Quezon. Ang nasabing sports fest ay nilahukan ng mga kasapi ng Quezon PNP at ng Tri-Media Group sa lalawigan. Ayon kay Quezon Police Director PSSupt Rhoderick Armamento, layunin ng nasabing aktibidad na maipakita ang pagkakaisa, sportsmanship at maayos na relasyon na bawat participants. Nais din umanong ipakita ng Quezon […]





