Tag: travelling

Hundred Islands, isa sa mga tourist attraction ngayon sa Pangasinan

(Eagle News) — Tumataas ang bilang ng mga turistang bumibisita sa pamosong Hundred Islands na matatagpuan sa Alaminos City. Ayon sa City Tourism Office umabot na sa 561,000 ang bilang ng mga dumadayong turista sa Hundred Islands. Labis namang ikinatutuwa ng mga bangkero sa Hundred Islands National Park (HINP) ang pagdami ng turistang bumibisita sa nasabing lugar. Ayon sa mga bangkero, malaking benepisyo ang development ng Alaminos City Government kaya ito dinadagsa ng mga turista. […]