(Eagle News) — Patuloy na tumataas ang naitatalang kaso ng tigdas sa Region 1 Medical Center. Ayon Dra. Maribel Pasaoa, Infectious Disease Specialist ng R1MC, mayroon nang bilang na 50 ang naitalang kaso at walo sa mga ito ang nasawi simula Enero hanggang Pebrero 15 sa nasabing pagamutan. Ayon sa R1MC, karamihan sa mga nasawi ay mga batang edad lima pababa at nasa malala nang kalagayan nang dalhin sa pagamutan. Karamihan sa nasawi ay dahil […]
Tag: tigdas
Naitalang kaso ng tigdas umakyat na sa mahigit 4,000
(Eagle news) — Umabot na sa 4,300 ang naitalang kaso ng tigdas sa bansa. 70 sa mga ito ang kumpirmadong namatay. Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo, batay ito sa latest report ng Department of Health. Aminado si Domingo na sa nakalipas na lima hanggang sampung taon ay hindi naaabot ng pamahalaan ang 90 percent target nito sa immunization program. Nasa 70–80 percent lamang umano nang target nilang bilang ng kabataan ang nababakunahan. https://youtu.be/DIsIST8wODA
Ligtas Tigdas program ng DOH, inilunsad
Jerold Tagbo Eagle News Service Naglunsad ang Department of Health ng Ligtas Tigdas program upang mabigyan ng proteksyon ang mga bata sa tigdas. Sa tala ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH), mula noong Enero 1 hanggang noong Abril 15 ngayong taon, pumalo na sa mahigit 5,000 kaso ng measles o tigdas ang narekord sa buong bansa. Sa naturang bilang, 905 ang kumpirmadong kaso habang labing lima ang namatay. Sa 15 nasawi, 13 […]
Bakuna kontra tigdas, isinagawa sa Laguna
AGOST 17 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ang Health Center ng Barangay Dela Paz, Laguna ng pagbabakuna sa mga sanggol kontra tigdas. Maaga pa lamang ay halos napuno na ang health center. Ang mga magulang dala ang kanilang mga anak na sanggol upang mapabakunahan. Ang pagbabakuna ay pinangasiwaan ni Araceli Cantes. Isang registered midwife na siyang head ng Health Center ng Dela Paz. Nagdatingan din ang mga midwife galing Perpetual Help Hospital sa pangunguna ni Dr. […]





