Tag: Teacher’s Day

Public school teachers, bibigyan ng special bonus ng DepEd

(Eagle News) — Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na makakatanggap ng karagdagang bonus ang mga public school teacher. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, layon nilang bigyan ng 1,500 pesos ang mga public teacher sa tuwing sasapit ang October 5. Magsisimula silang ibigay ito sa susunod na taon. Nagpasalamat naman ang DepEd sa senado dahil sa pagsama ng special bonus sa 2019 General Appropriations Act.

Teacher’s Day sa isang eskwelahan sa Laguna maagang ginunita

Maagang regalo ang tinanggap ng mga guro ng Southville 4 Elementary School sa Laguna kasabay ng nalalapit na paggunita sa Teacher’s Day. Labing-pitong cosmetologist mula sa Alternative Learning System ang nagtungo sa nasabing eskwelahan para bigyan ang mga guro roon ng libreng pampering, gaya ng libreng hair cut, manicure/pedicure at para naman marelax binigyan din sila ng libreng masahe. Ang proyekto ay pinangunahan ng mga opisyal ng Parents Teachers Association (PTA) ng nasabing eskwelahan sa […]