TANDANG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Surigao del Sur Provincial Election Supervisor Atty. Ernie Palanan ang paghain ng withdrawal of candidacy bilang Gobernador ng Surigao del Sur ni incumbent Governor Vicente Pimentel, Jr. Ang humalili sa kaniya bilang kakandidatong gobernador ay ang kaniyang kapatid na kasalukuyang mayor ng Tandag City na si Alexander Pimentel. Nag-file naman ng kandidatura bilang mayor ng Tandag ang asawa nito na si […]
Tag: Tandag City
Sunog sumiklab sa Tandag City, Surigao del Sur; pinsala ng sunog tinatayang umabot sa P2M
Ni Merly Orozco Eagle News Correspondent TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Isang sunog ang naganap sa Purok Mercury, Brgy. Telaje, Tandag City, Surigao del Sur nitong Lunes, Agosto 13 bandang 6:45 ng gabi. Itinuturong dahilan ng pinagmulan ng nasabing sunog ay ang pumutok na saksakan ng electrical appliances. Mabilis na kumalat ang apoy lalo’t ang karamihan sa mga bahay ay gawa lamang sa light materials. Agad namang rumesponde ang personnel ng Tandag […]
LOOK: Sand art in Tandag City, Surigao del Sur
Sand art filled the shoreline of Mabua Beach recently as Tandag in Surigao del Sur celebrated its 10th founding anniversary. Photos by Merly Orozco, Eagle News Service
Brigada Eskwela, isinagawa sa mga paaralan sa Tandag, Surigao del Sur
TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng Brigada Eskwela sa mga paaralan sa Tandag, Surigao del Sur, noong Sabado, May 13. Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ng mga bata. Maagang dumating sa mga paaralan partikular na sa Buenavista National High School at Maticdom Elementary School ang mga teacher, mga magulang ng mga mag-aaral, ang mga kinatawan ng Department of Education, at ilang personnel ng Tandag City Municipal Police Station upang pangunahan […]
102 kabataan nagtapos sa programang Drug Abuse Resistance Education
TANDAG CITY, Surigao Del Sur (Eagle News) – Isinagawa ang graduation ng may 102 na kabataan na sumailalim sa programa ng Department of Education (DepEd) at ng PNP na Drug Abuse Resistance Education (DARE). Ang nasabing aktibidad ay idinaos sa Carrascal Sports and Cultural Center nitong Biyernes, March 31. Naging Guest Speaker sa nasabing programa si Surigao del Sur Provincil Director PSSupt. Romaldo Bayting. Sa kaniyang mensahe ay kinumbinse niya ang mga kabataang mag-aaral na nagtapos sa programa […]
10 pakete ng dried marijuana natagpuan ng mga mangingisda sa Tandag City
TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Agad na nagsagawa ng ocular investigation ang PNP sa pangunguna ni PCI Rey Sorreda ng makatanggap sila ng tawag na mayroon di umanong dried marijuana leaves ang natagpuan sa Barangay Buenavista, Tandag City. Ayon sa mga nakakita na sina Edmar Jumanoy at Yong Yong Macarayo kapuwa mangingisda, habang sila ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay ay may napansin silang malaking blue plastic container na nakalutang malapit sa […]
Clean up drive isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tandag City Boulevard
TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Hindi nahadlangan ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na isagawa ang clean up drive kahit pa nagbabadya ang masamang panahon. Maaga pa lamang (6:00 am) nitong sabado, November 19, 2016 ay nagtipon-tipon na sila sa Boulevard, Tandag City, Surigao del Sur upang pagtulung-tulungan itong linisin. Inalis nila ang mga nagkalat na basura at binunot naman ang mga nagtataasang damo. Masaya naman ang mga sumama sa nasabing aktibidad […]





