(Eagle News) — Ipinagbabawal na ng Quezon City Health Department sa mga school canteen ang pagbebenta ng soft drinks, sitsirya, instant noodles, cakes, donuts at iba pang kauri nito. Ayon sa QC Health Department, ito ay bilang pagsunod sa Quezon City Anti-Junk Food and Sugary Drinks Ordinance of 2017. Nakasaad sa nasabing batas na lahat ng mga school canteen sa pribado at pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya maging ang preparatory schools at mga tindahan […]





