SOCORRO, Oriental Mindoro (Eagle News) – Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mamamayan sa Bayan ng Socorro, Oriental Mindoro sa patuloy na pagsuporta sa kaniya. Sinabi ito ng Pangulo sa kaniyang naging pagbisita sa nasabing lugar noong Miyerkules, March 29 sa isinagawang People’s Day Celebration sa Brgy. Batong Dalig, Socorro, Oriental Mindoro. Nagpasalamat rin ang Pangulo sa suportang ibinigay sa kaniya ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) National President at Socorro Mayor Maria Fe ‘Bubut’ Brondial […]





