QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nagsagawa ng fire drill at seminar ang barangay officials ng Tandang Sora, Quezon City noong Huwebes, February 23. Ito ay bilang paghahanda sa Fire Prevention Month ngayong Marso. Pinangunahan ni Sr. Inspector Ronnie Benedicto ng Quezon City Fire District, Station 6 ang nasabing seminar. Itinuro sa mga barangay volunteer ang mga dapat gawin at mga gampanin kapag nagkaroon ng sunog. Pagkatapos ng seminar ay nagkaroon ng fire drill at simulation sa bakanteng […]





