(Eagle News) — Sa pagsisimula ng closure ng Boracay Island, nagbabala si Environment Secretary Roy Cimatu na isasara ang mga establisyimento na iligal na nakakonekta ang kanilang sewage lines sa rainwater drainage system ng isla na direktang napupunta sa dagat. Ayon kay Cimatu, dismayado siya dahil may ilang establisyimento pa rin ang patuloy na bigong kumonekta sa sewer lines ng Boracay Island Water Company at Boracay Tubi Systems Inc., sa kabila nang mga paalala sa […]





