MARIVELES, BATAAN (Eagle News) — Kusang-loob na pina-awtopsiya ang isa sa mga batang namatay matapos mabakunahan ng Dengvaxia. Binigyan ni Nelson de Guzman ng pahintulot ang mga otoridad na maisailalim sa pagsusuri ang bangkay ng kanyang anak na si Cristine Mae de Guzman, 10. Ang nakababatang De Guzman ay namatay matapos itong mabakunahan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia noong nag-aaral pa ang bata sa Barangay Sisiman Elementary School. Kasama ng mga doktor na nagsagawa ng autopsy […]





