MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinalulutang na ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang team leader ng Mandaluyong Police na sangkot sa shooting incident na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang katao. Kinumpirma ni Dela Rosa na simula pa noong Huwebes ng nakaraang linggo, nag-Absence Without Leave na si Senior Inspector Maria Cristina Vasquez. Sabi ni Dela Rosa, kung hindi lulutang at susuko si Vasquez, mapipilitan silang magsagawa ng manhunt operations laban dito […]





