MANILA, Philippines (Eagle News) — Ikinatuwa ni Senador Grace Poe ang tiwala sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay matapos na ipahayag ni Pangulong Duterte na maaari siyang maging Presidente ng bansa sa darating na mga panahon kapag pinayagan na ng konstitusyon ang foundlings o mga inabandona na tumakbo. Dagdag pa ni Poe, malaking bagay, personal man o sa aspetong politikal, ang pagtitiwala na ito sa kaniya ng Pangulo. Gayunman, iginiit ng Senador na […]





