Ni Meanne Corvera Eagle News Service Sa harap ng mga balitang posibleng gawing state witness si Janet Lim Napoles, pinag-aaralan na ni Senador Francis Escudero ang paghahain ng resolusyon para muling maimbestigahan ng Senado ang kontrobersyal na anomalya sa priority development assistance fund o mas kilala sa pork barrel. Ayon kay Escudero, hindi kasi nabigyan ng closure ang imbestigasyon, katunayang may mga senador at kongresista na hindi nakasama sa kinasuhan noon ng Department of Justice. Sinabi ni Escudero na batay sa report […]





