(Eagle News) — Inamin ni Senate President Vicente Sotto na matagal nang nangyayari ang bentahan ng database ng ilang tiwaling opisyal ng Commission on Elections (Comelec) at mga dealer. Nauna nang ibinunyag ni Atty. Glen Chong ng Tanggulang Demokrasya sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms ang umano’y bentahan ng data base para maisagawa ang pandaraya sa eleksyon. Ayon kay Sotto, madalas na nangyayari ang dayaan gamit ang database sa mga lokal na pamahalaan. […]





