Ibat ibang breed ng mga aso na nasa pangangalaga ng Philippine Coast Guard ang sasanayin sa Romblon para sa pag-amoy at pagtunton sa mga ipinagbabawal na gamot. Sa isang send-off ceremony, dinala ng kani-kanilang handler ang mga aso na nauna nang sumailalim sa training sa coast guard facility sa Taguig. Subalit mas ibayong pagsasanay pa ang gagawin sa mga K-9 bago isabak sa ibat ibang operasyon na may kinalaman sa pagsugpo sa iligal na droga. […]





