ROXAS, Palawan (Eagle News) – RORO Bus na biyaheng El Nido ang aksidenteng tumagilid sa National Highway ng San Jose, Roxas, Palawan. Nangyari ang nasabing insidente noong Huwebes, December 8, bandang 4:30 ng hapon. Ayon sa mga nakasaksi mabilis aniya ang takbo ng bus. Dahil sa kurbada at madulas ang daan ay tumaob ang bus. Ayon naman sa driver na nakilalang si Tristan, hindi na umano niya napansin ang kurbadang daan kaya hindi kaagad niya naipreno ang […]





