(Eagle News) – Isa na namang sunog ang naganap sa isa pang mall sa Davao City nitong Martes ng madaling araw. Sumiklab ang apoy sa Robinsons Cyber pasado alas 3 ng madaling araw. Ayon kay Sr. Insp. Ma. Teresita Gaspan, tagapagsalita ng Davao City Police, posibleng nag-overheat na air-conditioning unit ang pinagmulan ng apoy. Hindi naman na lumaki ang sunog at mabilis ding naapula. Wala ding naitalang nasugatan sa insidente.





