Tiniyak ng liderato ng kamara na magkakasibakan sa revenue generating agencies kung pumalpak na matamo ang kanilang target revenues. Sa plenary debate para sa pondo ng Department of Finance. Sinabi ni Appropriations Vice Chairman Lray Villafuerte na susundin ng gobyerno ang lateral attrition law. Ibig sabihin, ang mga revenue officers na makakaabot ng target revenue collection o koleksiyon ng buwis ay makakatikim ng reward. Habang ang mag-a-under perform ay mapaparusahan sa pamamagitan ng pag-alis sa […]





