(Eagle News) – Bwineltahan ni National Democratic Front of the Philippines Senior Adviser Luis Jalandoni si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay matapos nitong lagdaan ang proklamasyon na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines at armed wing nitong New People’s Army bilang teroristang grupo. Ayon kay Jalandoni, hindi maniniwala ang taumbayan na ang CPP-NPA ay teroristang grupo dahil mismong si Pangulong Duterte umano ang terorista dahil sa dami ng pinapatay nito sa kaniyang drug war. […]





