REAL, Quezon (Eagle News) – Nakaranas ng pagbaha ang lalawigan Real, Quezon bunga ng halos tatlong oras na walang tigil na pag-ulan. Tumaas ang tubig nang halos isang talampakan sa Real – Famy National Hi-way. Bahagyang nakaantala ng daloy ng mga sasakyan dahil sa pag-apaw ng mga kanal at kung magtutuloy-tuloy ang pag ulan ay maaring tumaas pa ang tubig baha. Rechelle Valle – EBC Correspondent, Real Quezon





