Tag: Random drug-testing

Random drug-testing ipatutupad sa mga PUV driver, operators sa Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News ) — Simula sa buwan Disyembre, isasailalim sa random drug testing ang mga driver ng multicab, tricycle at iba pang Public Utility Vehicles (PUVs) na magre-renew ng kanilang rehistro ng sasakyan at driver’s license sa Puerto Princesa City. Sang ayon naman dito ang mga multicab at tricycle drivers dahil kung matatandaan, kamakailan lang ay nasangkot at naging suspek ang isang multicab drivers sa pagpatay sa isang estudyante sa lungsod. […]

15 sundalong nagpositibo sa isinagawang random drug-testing, sinibak sa pwesto

JAMINDAN, Capiz (Eagle News) –  Umabot sa 15 sundalo ng 3rd Infantry (Spearheaded) Division (ID), Philippine Army sa Brgy. Jaena Norte Bayan ng Jamindan, Capiz ang sinibak sa serbisyo dahil nagpositibo isinagawang drug testing. Ito ay kinumpirma mismo ni 3rd ID Commander General Harold Cabreros. Ayon sa kaniya ay pawang enlisted personnel at walang opisyal sa nasabing dibisyon ang napatunayang gumagamit ng iligal na droga. Tinitiyak naman ni Cabreros na isinusulong nila na ang 3rd ID […]

Random drug-testing sa Cauayan, Isabela, pinangunahan ng alkalde ng lungsod

CAUAYAN, Isabela (Eagle News). Pinangunahan ni Mayor Bernard Faustino Dy ang random drug testing na isinagawa sa lungsod ng Cauayan lalawigan ng Isabela. Kasama sa sumailalim sa drug testing na ito ay ang mga konsehal ng lungsod at maging ang kapulisan ng nasabing lalawigan. Isinagawa ito upang patunayan na ang mga namumuno sa naturang lungsod ay hindi lumalabag sa batas lalo na ang ukol sa mga ipinagbabawal na gamot. Nagbilin din ang mga kinauukulan sa publiko […]