Tag: quezon City

Mas masikip na trapiko sa Quezon City, inaasahan simula ngayong araw

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Simula ngayong araw, Abril 30, asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa Quezon City. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dahil ito sa pagsasara ng ilang kalsada upang simulan ang konstruksyon ng coping beam ng Metro Rail Transit o MRT-7. Bunsod nito, ipatutupad ang one-way traffic sa Regalado mula Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue mula 5:00 AM hanggang 10:00 PM. Simula naman sa Mayo 6 […]

Ilang lugar sa Caloocan City at Quezon City, mawawalan ng tubig

(Eagle News) – Muling magpapatupad ng water interruption ang Maynilad mamayang gabi hanggang  Miyerkules, Abril 18 sa ilang bahagi ng Caloocan City at Quezon City. Apektado rito ang Brgy. 171 sa Caloccan City mula 11:00 ng gabi mamaya, Abril 16 hanggang 4:00 ng umaga bukas, Abril 17. Itong Martes, Abriel 17, apektado naman ng water interruption ang bahagi ng Brgy. 175 sa Caloocan City simula 10:30 ng gabi hanggang 3:30 ng umaga ng Miyerkules, Abril […]

Former comedian “Kuhol” arrested for child abuse in QC

(Eagle News)—Child abuse charges have been filed against former actor Philip “Kuhol” Supnet after he allegedly took advantage of a 10-year-old girl on Thursday, April 12. The Quezon City Police District said Supnet was arrested after the father complained to authorities that the former comedian, who is known for his role in  “Juan Tamad and Mr. Shooli: Mongolian Barbecue,” had kissed his daughter in the lips. It was the victim who told her father the […]

Nasa mahigit na P100k halaga ng ari-arian, tinupok ng apoy

Nina Rhizzalyn Bautista at Anjanette Ocampo Eagle News Correspodents QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Isang sunog ang nangyari kanina umaga bandang 9:30 sa No. 32 Cooper St., Brgy. Paraiso, Quezon City.  Ayon sa batang saksi na si Gion, sampung taong gulang na unang nakakita na sunog ay nagsimula sa imbakan ng spare parts ng assakyan na nasa loob ng compound nagsimula ang sunog. Ang mga spare part na ito ay pagmamay-ari ni Joel […]

Mahigit P1 milyong halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa QC

Ni Earlo Bringas Eagle News Service QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Nasabat ng pulisya ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu nitong Biyernes ng madaling araw sa Quezon City. Nasa 250 na gramo ng shabu na nagkakahalagang P1, 250,000 ang nakuha sa sport utility vehicle na gamit nina Samim Mapandi at Junari Basher sa buy-bust operation na isinagawa ng Quezon City Police District Drug Enforcement Unit sa Brgy. Sto. Domingo. Ikinasa ang operasyon matapos […]

PNP: Apat katao, kabilang ang nagpapakilalang abogado at dating empleyado ng BIR, arestado sa QC dahil sa paggamit ng shabu

Ni Earlo Bringas Eagle News Service QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District Station 10 ang apat na kalalakihan kabilang ang isang nagpakilalang abogado at dating empleyado ng Bureau of Internal Revenue matapos maaktuhan ang mga ito na gumagamit ng shabu nitong Miyerkules ng madaling araw. Inaresto sina Raymond Rosales, Noel Lumagbas, Magdaleno Tabalera na retired empleyado ng BIR, at Arnel Torres na nagpakilalang abogado ng Reyes […]

Kahun-kahong unregistered beauty products, nasabat ng FDA at QCPD

Ni Ian Jasper Ellazar Eagle News Service QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Kahun-kahong produktong pampaganda ang nasabat sa isinagawang raid ng Food and Drug Administration (FDA) at ng Quezon City Police District sa Quezon City nitong Martes, Pebrero 20. Ayon kay Regional Director Oscar Albayalde, itinuturing nilang smuggled ang mga produkto nasabat  sa raid bandang alas 10:30 ng umaga dahil sa mga branded at nagmula ito sa iba’t ibang bansa na hindi naman narehistrado sa […]

Buffer stock ng NFA rice, hanggang Marso na lang

(Eagle News) – Hanggang sa susunod na buwan na lamang ang natitirang buffer stock ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa buong bansa. Ayon sa tagapagsalita ng NFA na si Director Rex Estoperez, tinatayang nasa 1.5 milyong sako ng bigas ang natitira sa mga warehouse ng NFA sa kasalukuyan. Pero ang natitirang bigas ay nakalaan na lamang para sa emergency relief operation ng Department of Social Welfare and Development, gaya ng nakaimbak sa warehouse […]

Abogado na lulan ng SUV, inambush ng mga nakasakay sa motorsiklo sa Quezon City

Ni Earlo Bringas Eagle News Service QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Binulabog ng magkakasunod na mga putok ng baril ang kahabaan ng EDSA Quezon City madaling araw nitong Martes, Pebrero 13. Animo’y eksena sa pelikula ang pangyayari sa kalsada dahil pinagbabaril ng tatlong nakasakay sa motorsiklo ang isang sport utility vehicle na bumabaybay lamang sa kahabaan ng EDSA. Sa inisyal na imbestigasyon, galing umano sa Greenhills ang SUV. Nang paakyat na ito sa […]

Subway na magdudugtong sa Quezon City at Pasay City, pagaganahin na sa 2022

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pagaganahin na sa taong 2022 ang tatlong istasyon ng subway na magdudugtong sa Quezon City at Pasay City. Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, magagamit na ang mga estasyon sa Mindanao Avenue, North Avenue at Tandang Sora, apat na taon mula ngayon. Kaya aniya nitong i-accommodate ang nasa 120,000 na mga pasahero. Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng 14 na istasyon ng subway sa taong 2023. Ito ang magkokonekta sa Mindanao […]

Isang estudyante, arestado sa pagbebenta ng high-grade na marijuana sa QC

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Isang estudyante ang naaresto ng otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa isang gasolinahan sa Aurora Boulevard, Quezon City, Huwebes ng gabi, Enero 18. Ang suspek ay nakilalang si Mikey Santos, 21-anyos, isang 4th year marketing student sa isang kolehiyo sa Mandaluyong. Nakuha mula kay Santos ang 10 sachet ng kush o high-grade na marijuana na tinatayang aabot sa Php 25,000 ang halaga. Ayon kay Senior Insp. Joel Cabauatan ng […]

Depektibong mga sasakyan at may mga paglabag, hinuli ng mga tauhan ng LTO at i-ACT

(Eagle News) – Hinarang ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) ang mga pampasaherong sasakyan at mga private vehicles dahil sa paglabag sa road safety sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Lunes ng gabi, Enero 8. Kaugnay pa rin ito ng ‘Tanggal bulok, tanggal usok’ campaign ng ahensya. Karamihan sa mga naharang at natiketan ng LTO ay ang mga sasakyan na may sirang bahagi, kasama na din ang […]