Tag: quezon City

Mga opisyal at empleyado ng PDEA, sumailalim sa biglaang drug testing

(Eagle News) – Muling nagsagawa ng surprise drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang hanay. Isinagawa ang surpresang mandatory drug test sa mahigit 600 empleyado at ahente sa national headquarters ng PDEA sa Quezon City. Ito na ang pangalawang mandatory test na isinagawa ni PDEA Director General Aaron Aquino mula nang manungkulan sa ahensya. Ang mga hindi nakiisa sa drug test ay pagpapaliwanagin ni Aquino. Malalaman ang resulta ng drug test sa […]

Tatlong magkakaibang aksidente sa kalsada, naitala sa QC sa buong magdamag

Ni Earlo Bringas Eagle News Service QUEZON CITY, Metro Manila (Eagle News) – Tatlong magkakaibang aksidente sa kalsada ang naitala sa Quezon City sa buong magdamag nitong Martes, ika-26 ng Disyembre. Sugatan ang 15 katao kabilang ang isang 17 taong gulang na buntis matapos na magsalpukan ang UV Express at pampasaherong jeep sa may West Avenue nitong madaling araw. Ayon sa kwento ng driver ng SUV na kinilalang si Romelito Namatay, nakahinto lamang siya dahil […]

4 na katao, arestado sa drug buy-bust operation sa Tondo, Manila

TONDO, MANILA (Eagle News) — Apat katao ang arestado makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa ikinasang anti-drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa bisa ng search warrant, isa-isang hinalughog ng Special Enforcement Service ng PDEA ang tatlong bahay sa Brgy. 112 Tondo, Maynila. Sa bahay ni Ramil Paragas sa C.P Garcia St. Corner Dandan Street nakuha ang mga sachet ng umano’y shabu at drug paraphernalia. Nakita din sa kaparehong kalye ang apat […]

Tinatayang P90K na halaga ng ari-arian, natupok sa sunog sa QC

Quezon City, Metro Manila (Eagle News) – Tinatayang P90,000 na halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi, ika-29 ng Nobyembre. Base sa isinagawang imbestigasyon ni Senior Inspector Richard Malamug, nag-umpisa ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay ni Violeta Huertas sa Brgy. Pinyahan bandang 6:28 p.m. Ayon kay Malamug, nasa loob ng bahay ang 97 taong gulang na ina ni Huertas nang mangyari ang sunog, subalit nakatakas naman ito […]

QC government welcomes return of PNP to the war on drugs 

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — The local government of Quezon City welcomed the news that the Philippine National Police would soon be returned  to the government’s war on drugs. Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte who also chairs the city’s Anti-Drug Abuse Advisory Council said that this will be a big help to the city’s program against illegal drugs. Watch this report by Eagle News Service reporter, Mar Gabriel:

Kaso ng riding-in-tandem, holdapan at nakawan, dumarami, ayon sa PNP

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Sabay-sabay na iprinisinta ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga riding-in-tandem suspek na naaresto sa kanilang pinaigting na Anti-Criminality Operation. Kabilang na rito ang tatlong suspek na ito na inaresto ni PO2 Jomar Madarang noong Sabado ng hapon sa Project 6 sa Quezon City na nag-viral pa sa social media. Mga suspek, sinasabing nasa likod ng mga holdapan sa Quezon City Ang naturang mga suspek umano ang nasa […]

QCPD inaming tumaas ang mga kaso ng robbery hold-up nang mawala ang PNP sa “war on drugs”

By Mar Gabriel Eagle News Service QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Aminado ang Quezon City Police District na dumarami na naman ang mga kaso ng robbery hold-up sa kanilang lugar mula nang huminto ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang “war on drugs.” Ipinahayag ito ni QCPD District Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, kasabay ng pagprisinta sa media ng mga riding-in-tandem suspect na naaaresto sa kanilang pinaigting na operasyon laban sa krimen. Naobserbahan niyang […]

Truck ng basura nagliyab habang binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nagliyab ang isang truck ng basura habang binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nitong Lunes, November 13. Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang  nagliyab ang unahang bahagi ng nasabing truck bandang alas kwatro ng ng hapon (4:00 PM). Hinala nila, ang mismong sakay nitong pahinante na naninigarilyo ang sangkot dahil ang laman ng nasabing truck ay mga papel at plastic. Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang pangyayari […]

Mahigit P300-milyong halaga ng fake products, nasabat sa QC

QUEZON CITY, Philippines  (Eagle News) — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang kahung-kahon na mga pinekeng sigarilyo, seasoning mix at sabong pangligo sa tatlong warehouse sa Barangay Masambong sa Quezon City kamakailan. Sa taya ng BOC, papalo sa mahigit tatlong daang milyong piso ang halaga ng mga nasabat na smuggled at pekeng produkto na mula sa China. Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, dalawang buwang minanmanan ng enforcement and security service […]

ICYMI: Worldwide #AidforHumanity in Culiat, Quezon City

QUEZON City, Philippines (Eagle News) — One of the sites where the Iglesia Ni Cristo conducted the Worldwide Lingap sa Mamamayan is in Culiat, Quezon City. INC District Minister Romer Galang said that the church officers and ministers of the district conducted devotional prayers for one week in preparation for the event. Residents of Culiat received free medical and dental services as well as bags of goods in the Lingap sa Mamamayan and among the […]

Kasambahay na nagnakaw umano sa isang condo sa Eastwood, sumuko na

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Isang ginang na ayon sa pulis ay nagnakaw kamakailan ng mahigit kumulang na P12000 mula sa kaniyang amo ng anim na oras pa lamang, ang sumuko sa mga awtoridad nitong Huwebes ng gabi, ika-12 ng Oktubre. Kinilala  ng mga pulis ang suspek na  si Margie “Gigi” Teodoro, na naging viral sa social media nang nakawan niya umano si Yrrah Jean Pineda. Anim na oras pa lamang ang nakalipas mula ang […]

Panloloob sa China Bank sa Fairview, Quezon City, iniimbestigahan na

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nangyaring panloloob ng pinaniniwalaang miyembro ng Termite gang sa isang sangay ng China Bank sa Quezon City nitong Lunes, Oct. 2. Ayon sa mga awtoridad, ang mga empleyado ng bangko sa kahabaan ng Camaro St., Brgy. Fairview, Commonwealth, at ang mga gwardya ay handang makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon. Matatandaang nalimas ang laman ng mga safety deposit box ng mga kliyente ng bangko nang pasukin ng masasamang loob […]