Tag: Puerto Princesa City Coliseum

Pilipinas, humakot ng gintong medalya sa Asian Confederation Junior Boxing Championship

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nasungkit ng dalawang Pilipino ang gintong medalya sa katatapos lamang na ASBC Asian Confederation Junior Boxing Championship 2017 na ginanap sa Puerto Princesa City Coliseum. Ang buong palaro ay isinagawa simula noong Agosto 2 at nagtapos noong Agosto 7. Kinilala ang mga nagwagi na sina Kenneth Dela Pena, 16 taong gulang, tubong General Santos City; at John Vincent Pangga, 15 taong gulang, na nagmula naman sa Cagayan de Oro […]

Puerto Princesa City, nakiisa sa Child Development Month Celebration

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Ginugunita ngayong buwan ng Nobyembre ang Child Development Month. Kung saan nakiisa sa selebrasyong ito ang lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa City, Palawan. Nagsagawa sila ng iba’t ibang aktibidad tulad ng parade sa palibot ng Puerto Princesa City Coliseum na nilahukan ng mga kindergarten student mula sa iba’t ibang paaralan ng lungsod. Nagsimula ang naturang parade bandang 8:00 ng umaga kasama ang kanilang mga magulang at mga guro. Naghanda rin […]