MANILA, Philippines (Eagle News) — Bilang bahagi ng pagsusulong ng pamahalaan sa Public Utility Vehicle Modernization Program, inilunsad nitong Martes, ika-3 ng Abril, ng Department of Transportation (DOTr) ang Public Transport Modernization Expo sa PICC sa Pasay City. Ito ay may temang “Modernong Sasakyan, Progresibong Bayan.” Layunin ng programang ito na ipakita ang mga makabagong prototype na mga sasakyan na magdudulot raw ng ginhawa, environmental-friendly, mas konti ang maintenance cost at ligtas na public transport […]





